Tuesday, September 12, 2017


VILLA FELICIDAD RESORT


          Noong bakasyon dito sa resort kami naglangoy at nagsaya kasama ang aking mga mahal sa buhay. Malamig at malinis ang tubig dito. Maraming tao ang naglalangoy dito noong araw na kami'y pumunta.

 


          Sa larawang ito naman ang entrance ng resort na aming pinuntahan maraming halaman at bulaklak ang resort na ito kaya maganda ang paligid at sariwa ang hangin.



          Ang larawang ito naman po ay ang cottage na aming tinuluyan doon at masasabi ko pong kakaiba talaga ang mga cottage nila doon sapagka't mayroon itong ibat-ibang disenyo.


          Kweba naman po na mayroong lumalabas na tubig sa taas ang larawang ito maganda at malamig na malamig ang tubig na nilalabas nito. Marami ang kumukuha ng litrato sa lugar na ito.


          Mula naman po sa larawang ito kakaahon lamang po namin nito sa pool sapagka't kailangan na naming kumain ng lunch.


          Sa kuhang ito naman po pauwi na kami at hinihintay lamang ang aking ate. Masayang masaya po ako ng araw na iyan sapagka't buo kaming pamilya na nagbonding sa resort na yan. Masasabi ko po talagang sulit ang pagbyahe namin papunta dyan dahil bukod sa maganda,malinis,sariwa ang hangin ay maganda at maayos ang service ng mga crew sa resort na yan.

12 comments: